Friday, January 2, 2009

How To Lose Weight in an Edward Cullen Way

Katatapos lamang ng mahabang holiday at matapos ang hindi maawat na kainan, lechon and all the fatty foods ay hindi maiwasang marami sa atin ang nadagdagan ang timbang at ngayon ay malaki ang problema sa kung paano maibabalik ang dating napaka seksing katawan.

Ngunit huwag mabahala, ang inyong lingkod ay lumikha ng napaka-epektibong pamamaraan upang mabawasan ang inyong timbang sa walang kahirap-hirap at napaka-ikling panahon lamang.

Ang artikulong inyong mababasa ay hango sa ilang mga ideya at katotohanan patungkol sa pelikulang Twilight na s'yang pinagbasehan ng mga pangunahing kaalaman ng artikulo kaagapay ang testimonya mula sa isang kaibigan na ang mahabang holiday tulad na lamang ng pasko at bagong taon ay lumilikha ng hindi kaaya-ayang pakiramdam na likha ng labis na paglamon kung saan ang dating sexy ay tumataba. ayon sa aking kaibigan,matapos lamang ang dalawang linggong christmas vacation, siya ay hindi katanggap-tanggap na tumaba na halos siya'y napagkakamalan nang buntis. tsk, tsk, tsk! very alarming!

Ngunit worry no more...narito nah ang kasagutan sa inyong problema.


5 most effective ways to reclaim that sexy body you once had.

1. Huwag maglagay ng kama sa loob ng inyong kuarto.kung sakaling meron man,agad itong itapon at sirain upang huwag nang matuksong muli pa itong ibalik sa inyong kuarto.

explanation: kung walang kama, hindi kayo makakatulog ng maayos at talagang hindi na kayo makakatulog. at kung wala kayong tulog, kayo'y papayat.

twilight trivia: walang kama si Edward Cullen sa kanyang kuarto dahil hindi umano natutulog ang mga vampire.


2. huwag kumain.

explanation: siyempre, kung hindi kayo kumakain, talagang mapapabilis ang inyong pagpayat.

twilight trivia: Edward Cullen eats nothing.

3. maging superhero.

explanation: iligtas ang mga nanganganib madisgrasya sa disgrasya especially car accidents. halimbawang may napipintong masagasaan ng isang humahagibis na sasakyan, huwag tumayo at manonood na lamang, kumilos at pigilan ang sasakyan sa pamamagitan ng iyong mga kamay. napatunayan na kapag ginawa mo ito, ikaw ay mapupunta sa ospital. mas napapadali ang pagpayat ng isang tao kapag siya ay nasa ospital.

twilight trivia: pinigil ni edward ang sasakyan na sana'y babangga kay Bella sa pamamagitan lamang ng kanyang pale,cold, left hand.

4. ugaliing umakyat ng matataas na puno habang may kargang two bags of cement sa likod.

explanation: ang pag-akyat sa puno ay isang strenous activity na nakakapag burn ng much much amount of calorie intake samantalang ang semento ay magsisilbing weights to help you burn more fats.

twilight trivia: makikita sa pelikulang Twilight na umaakyat ng puno si Edward karga-karga sa likod si Bella.

5. Ugaliing kumain ng Dinuguan.

explanation: i wouldn't recommend you to drink blood therefore, to serve as a replacement, just eat our very own dinuguan. You can actually eat it with puto, if you like.

twilight trivia: Edward eats nothing but only drinks blood, animal blood.

no approve therapeutic claim





babala:

ang mga nakasaad sa itaas ay hindi maaaring gawin ng mga bata.




paalala:

ang mga ito ay pawang kathang-isip lamang at walang matibay na basehan. maging mapagmatyag sa inyong kapaligiran at laging mag-ingat. mag-isip ng isang milyong beses bago gumawa ng hakbang. dahil matalino man ang matsing, naloloko rin.

No comments: